Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VOTE-BUYING SA NCR TALAMAK

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copySINASABI ni Comelec Commissioner Grace Padaca na talamak na ang vote-buying sa mga lalawigan ng Quezon, Isabela at iba pang lalawigan sa bansa.

Masyadong malayo ang tingin ng Comelec.

Ang totoo, kung iikot lang kayo sa Metro Manila, garapalan na ang bilihan ng boto.

Marami tayong natatanggap na reklamo na ‘yong mga tao ng kandidato, lalo na sa alkalde ay nagbabahay-bahay na gabi-gabi.

Iyong isang alkalde nga, siya mismo ang nagbibigay ng pera sa mga would be voter nila.

Ibinibigay ang P1,000 tapos another one thousand pesos matapos ang eleksyon.

Sa hirap ng buhay ngayon, masyadong attractive ang isang libong pisong paunang bayad at garantiyang another P1,000 kapag nakaboto na.

Kunsabagay, iyong kalahati lang ng voting population ang mabili mo, swak na ang iyong pagkapanalo.

Pero dapat matakot ang mga botante sa ganitong klase ng mga kandidato dahil siguradong magnanakaw ang mga ‘yan kapag nakabalik na sa posisyon.

***

Kapag walang korap, walang mahirap.

So paano ngayon ipaliliwanag ng gobyernong Aquino ang patuloy na pagdami ng mga mahihirap?

2006 hanggang 2009, halos tatlumpung porsiyento ng populasyon ng bansa ay nakasubsob
sa kahirapan.
Magmula naman 2010 hanggang 2013 nang puma-sok ang administrasyong Aquino, ganoon pa rin ang sitwasyon, iyong mga mahihirap noon, mahirap pa rin  ngayon  and still counting.

Ang tanong, tama ba ang paggasta ng gobyerno ng mahigit P40 bilyon taon-taon sa kanilang Conditional Cash Transfer para makatugon sa kahirapan ng ating mga kababayan?

Mas gusto nilang ibigay ang pera sa mga nakahilatang dukha kaysa ipagpatayo ng pabrika
at mga livelihood project na pwedeng magbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Baka naman may gumagatas sa taunang P40 billion CCT kaya ipinagpapatuloy ang mga maling paraan nilang pagtugon sa kahirapan?

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>