Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAS MAY SAYSAY NA TEXTMATES AT KA-CHAT

$
0
0

abiso_newBIRO mo…nahuli nila agad ang Boston bombers pagkatapos lamang ng ilang araw!

‘Yan ang nagagawa ng technology at ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa gobyerno.

Sabi tuloy ng kaibigan kong si Jojo Pinga, sana umabot sa ganitong antas ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa gob-yerno. Kahit dito man lang daw sa Marikina masimulan namin.

Oo nga naman, halos lahat ng tao may cellphone. Karamihan ‘dun may kamera. Ang kulang na lang talaga ay mekanismo para mabilis at madali ang pagpasa ng info, picture, o video mula sa publiko papunta sa city hall.

Sabi ni Jojo, maganda na maengganyo ang publiko na makiisa sa eksperimentong ito dahil para naman ito sa katahimikan at kaligtasan ng bawat isang Marikenyo. Lahat tayo ay apektado ng krimen. Lahat tayo ay damay sa kriminalidad.

Sa Amerika kasi, kahit maraming sira ulo roon … patriotic masyado ang mga tao lalo na pag  may kinalaman sa terorismo. Kaya ayun, maraming kumilos at nagbigay ng mga info, litrato, at CCTV footage ng crowd sa mga lugar na malapit sa sinabugan at dahil dito tukoy agad nila ang magkapatid.

Kaya rin naman namin ‘yan sa Marikina kung pagtutulungan lang talaga ito. Dapat malakas ang loob ng mga tao na mag-record ng mga nangyayari sa kapaligiran nila at isubo naman ito sa amin sa Marikina PIO sa Facebook o Twitter. Pwede namang private message para ‘di mabulgar ang nag-feed ng intel.

Ito ay halimbawa ng isang bagay, tulad ng cellphone, social media, etc., na ginagamit sa masama ay puwede ring gamitin sa kabutihan. Salamat sa idea mo, Jojo Pinga!

Panawagan sa publiko, sana maging mas conscious at alerto tayo sa posibilidad na may matiyempuhan tayong krimen na nagaganap o kaduda-dudang pagkilos ng mga kriminal para sa ganun ay makatulong tayo sa ating komunidad, kapulisan, o gobyerno sa pagsugpo ng krimen dito sa Metro Manila.

Sa ganitong paraan mas lalong magkakasaysay ang pagtetext, pagcha-chat, pagtu-Twitter, at ang pagpe-Facebook.

Ano sa palagay n’yo? Umpisahan namin sa Marikina sundan n’yo sa inyong lugar?


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES