Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OPERASYON NG STL SA LIPA HINDI MAGIBA

$
0
0

GUMAWI naman tayo sa lalawigan ng Batangas at ating pahapyaw na silipin ang walang takot at buong tapang na nagpapa-bookies ng Small Town Lottery (STL) na mga operator sa bayan ng Lipa City.

Sa sumbong sa atin, pinangungunahan nina alyas Vilma Tomboy, Raymundo Pango at isang alyas Rene Diesta ang bookies sa Lipa.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ang kabuuang remittance ng kubransa ay dinadala sa Brgy. 1, Brgy. 3, Kalye Pogi, Amapola C.M Recto Bus Stop at matatagpuan ang lahat ng ito sa Lipa City.

Bukod sa tatlong operator na ito ay lantaran din ang pinakamalaking operasyon ng bookies ng STL nitong si Mackoy Recto sa buong Lipa City dahil ang bayaw nito ang katulong-tulong ni Mackoy Recto sa pagpapalaganap ng kanilang bookies.

Ang pinaka-main na bolahan ng pa-bookies ng STL ni Mckoy ay matatagpuan sa Brgy. Munting Pulo na hindi hinuhuli dahil walang ipinangalandakan ang ulol kundi ang kayang erpat ang kapitan ng barangay sa nasabing lugar.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit tila hindi yata kumikilos si Lipa City Chief of Police Supt. Carlos Balde, este Barde.

Kahit nasa tuktok na ng bunbunan nito ang bookies ng STL ay dedma lamang ito.

Ang iniisip tuloy ng mga Lipeño kung bakit ipinagkikibit-balikat lang ni kernel ang kautusan ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa laban sa mga illegal gambling gaya ng bookies ng STL bumabalde ito sa nasabing sugal.

Hoy Supt. Balde, este Barde, patunayan mong malinis ang iyong kamay riyan.

SHABU AT VK SA STA. CRUZ, NAMAMAYAGPAG

Kaliwa’t kanan pa rin ang operasyon ng talamak na video-karera nitong si Umbay sa Sta. Cruz, Laguna sa kabila ng mahigpit ang kampanya ng Phlippine National Police (PNP) sa pagsugpo sa lahat ng uri ng illegal gambling.

Ang masakit nito, napag-alaman natin na ang mga player o mga nagbi-VK sa mga puwesto ni Umbay ang siyang paboritong tambayan ng mga tulak ng tobats kasabay ng pagbebenta ng mga ito ng “tobats” sa mga naglalaro o nagbi-VK.

Kaya hayun, alive na alive ang mga gunggong na naglalaro ng VK dahil sa buong magdamag na naka-high ang mga nagbibi-VK.

O, Sta. Cruz Supt. Elieso Bernales, ano ang ginagawa mo, ha?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>