Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

P233.6B ‘DI NABAYARANG BUWIS NG AUTO GROUP

$
0
0

ISA ang Auto Nation Group, Inc. na malakas sa nakaraang administrasyon.

Ang Auto Nation Group, Inc. na CATS Motors Inc. ang dating pangalan ay importer at distributor ng Mercedes Benz, Crysler, Dodge, Jeep, at maging mga pyesa ng mga mamahaling sasakyang ito.

Ang dating chairman ng CATS Motors/Auto Nation na si Gregorio Yu ay nagbigay raw ng P5 milyon sa campaign kitty ni Benigno Cojuangco Aquino III noong eleksyong 2010.

Nang maging Pangulo si Aquino, naging board member sa Government Service and Insurance System si Yu.

Ipinwesto si Yu sa pamunuan ng GSIS na P2.5-milyon ang sweldo niya kada isang taon sa buong termino ni Aquino, samantalang kahit minsan hindi siya naging kawani ng anomang ahensya ng pamahalaan. May atraso ang CATS Motors sa Bureau of Internal Revenue na nadiskubre noong 2013.

Nakarating sa BIR na sala-salabat ang datos at magkabangga ang mga presyo ng mga kotseng ibinebenta ng CATS Motors sa merkado kumpara sa presyong ideneklara nito sa BIR.

Nakaaalarma ang depektibo at kaduda-dudang numero at impormasyong nakalap ng BIR, sapagkat mistulang nagtatangka ang CATS Motors na mababang buwis ang ibayad sa pamahalaan.

Pinaimbestigahan ito ng BIR Legal and Inspection Group, kaso hinarang ni Kim Henares.

Hindi ako nagtataka dahil hinayaan din ni Henares na hindi magbayad ng tamang buwis ang Mighty Corporation na umabot sa bilyon-bilyong buwis ang utang nito sa pamahalaan.

Ngayong si Rodrigo Duterte na ang Pangulo, napwersa nang magbayad ang Mighty Corporation ng P30 bilyong buwis sa pamahalaan.

Kaso, itong Auto Nation/CATS Motors ay malakas pa rin ang loob na hindi bayaran ang utang na buwis hanggang umabot ito sa P233.6-bilyon noong 2015, ayon sa isiniwalat ng Bureau of Customs nitong nakalipas na taon sa media.

Malakas daw ang may-ari ng Auto Nation Group, Inc. na si Felix Ang kay Duterte.

Maraming mapupuntahan ang P233.6-bilyon kung babayaran ito ni Ginoong Ang tulad ng pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan, pagamutang bayan, pagbili ng mga gamot na higit na mapakikinabangan ng mga pasyente, at iba pa.

LIPAT-BAHAY SA CALOOCAN

WALANG demolisyon kung walang relokasyon.

Idiniin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng alkalde nitong nakalipas na taon.

Kaya, naman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ay tiniyak na mayroong lilipatang bahay ang mga naninirahan sa gilid ng riles ng tren na sakop ng proyektong NLEX-Port of Manila Skyway.

Pinalipat ni Malapitan ang mga residente sa Camarin Residences.

Tiniyak ni Malapitan na ligtas at maayos ang proyektong pabahay ng kanyang administrasyon sa mga naapektuhan ng proyekto.

***
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>