Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUNG BAKIT MAUNLAD ANG EKONOMIYA NGAYON?

$
0
0

ISA ang Pilipinas sa may pinaka-malakas ang ekonomiya sa Asya ngayon batay sa gross domestic product o GDP.

Kaya naman, isa ang Pilipinas sa paborito ng mga negosyante mula sa iba’t ibang panig ng mundo na paglagakan ng kanilang puhunan.

Pero, dapat malaman ng mga Filipino kung bakit patuloy ang mataas na GDP simula sa termino ni Ramos hanggang ngayon kay Duterte kahit palamura at mahilig sa giyera si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang maging Pangulo ang taong-bahay na si Cory Aquino mula 1986 hanggang 1992, bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.

Umusad at umangat lamang ito simula kay Fidel Ramos dahil binuksan nito ang mga mahahalagang puntos ng pundasyon ng ekonomiya na pinatibay at pinalakas ni Ferdinand Marcos noong 1970s.

Nang maging Pangulo si Marcos noong 1962, bagsak na bagsak ang ekonomiya ng bansa. Ilang taon ang nakalipas ay bigla itong sumikad at umangat, kaya nanalo uli si Marcos noong 1965.

Pumangalawa sa Japan ang unlad ng Pinas noon.

Ngunit, naipit ang bansa sa pandaigdigang krisis sa langis noong 1973, banggit ni Dr. Jaime C. Laya, dating Central Bank of the Philippines governor at dating Budget Minister ni Marcos sa forum na naganap nitong Setyembre 6.

Sabi ni Laya, nagpasya ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong 1973 na limitahan ang produksyon ng langis ng mga bansang kasapi nito, pero sinabayan nila ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ang desisyon ng OPEC ay resulta ng deklarasyon ng Yom Kippur War sa Israel at Egypt. Ang presyo ng langis noon ay umangat sa USD12 kada bariles mula USD3.

Siyempre, malaking dagok ito sa ekonomiya ng maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Ngunit, dahil sa laki ng tiwala sa Pilipinas sa pamumuno ni Marcos, isa ang bansa sa pinautang ng World Bank upang sumulong at umangat ang ekonomiya.

Ang ipinautang ng World Bank ay ginamit sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bansa tulad ng mga kalsada, tulay, paliparan, daungan ng mga barko.

Nagsisimulang bumangon ang mga ekonomiya ng maraming bansa kasama ang Pilipinas pagkatapos ng pandaigdigang krisis sa langis noong 1973 nang biglang sumiklab ang panibagong pandaigdigang krisis sa langis noong 1979 na ipinanganak ng himagsikan sa Iran.

Nagresulta ito sa lampas USD39 kada bariles ang presyo ng langis. Ang epekto ng dalawang krisis sa langis, ayon kay Laya, ay nagsitaasan ang presyo ng maraming produkto, pasahe, at iba pa at lumiit ang kita ng mga negosyante.

Kinailangan ang deskarte at diplomasya upang huwag maipit ang Pilipinas sa matinding krisis kung saan naging aktibo si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos, saad ni Laya.

Ipinunto ni Laya na hindi natakot at nanghina si Pangulong Marcos, bagkos buong tapang na hinarap ang krisis sa ekonomiya hanggang sa naitayo niya ang tamang pundasyon nang matibay at malakas.

Binigyang-diin ni Marcos ang imprastraktura, export, at paghihikayat na makapagtrabaho sa ibang bansa ang maraming Pilipino.

Binuhay ito ni Ramos nagresulta sa patuloy na pag-usad at pag-angat ng ekonomiya ng bansa. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>