Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOTCHA KING KANDIDATONG CHAIRMAN, NAKU PO!

$
0
0

ANG isang dahilan kung bakit halos dalawang beses na pina-postpone ni Pang. Rodrigo Duterte ang halalan sa ba­rangay ay ang pangamba niya na baka magsipagwagi ang mga kandidatong iligalista.

Iligalista ang mga taong sa masamang paraan o galing sa iligal nanggali­ng ang kanilang limpak-limpak na salapi.

Kapag kumandidato ang isang iligalista, 100 porsyentong perang ipanggagastos niya sa eleksyon ay “dirty mo­ney” para masiguro nga naman ang kanyang pagkapanalo bilang Brgy. Kapi­tan. (O ano, aangal ka pa?).

Ang druglord at jueteng lord ang mga “pasaway” na sumusuway sa batas at sila ‘yung nabibilang sa mga tinatawag na “iligalista” na ang perang kinikita nila ay galing sa maruming kwarrrrta…

Kaya ganoon na lang ang pagkontra ni Pang. Duterte sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na naging dahilan upang ipa-postpone ang nasabing halalan dahil baka nga naman manalo ang mga iligalista.

Una, paano nga naman magsisilbi nang maayos ang isang kandidatong iligalista kung kuwestiyunable ang kanyang pagkatao. Eh, hindi mo nga alam kung saan galing ang sangkatutak na perang ipinamumudmod nito, ‘di ba?

Yaman din lamang na pinag-uusapan natin ang mga iligalista, may isang kumakandidato sa pagka-chairman sa Malabon ang tila grabe kung maglustay ng kanyang “datung.”

Palibhasa ang pera ni iligalista ay galing sa iligal na paraan kaya ganon na lamang kung magtapon siya ng kanyang “datung” para masiguro niya ang kanyang pagkapanalo bilang tserman. Sino siya? Siya ay si Mr. DC ng Brgy. C na kilalang-kilala sa Bureau of Customs sa bansag na ‘‘Botcha King.” Tsinismis lang po ‘yan ng aking tipster.

Heto pa ang matindi. Ang inaangkat na karne ni Mr. DC ay galing sa ibang bansa (Wow imported ha), pero huwag ka, ito pala ay ‘frozen’ dahil nagtatagal daw ito ng buwan at taon. Dahil ‘frozen’, aba’y banta ito sa kalusugan ng sino­mang nakakakain nito.

Isang patunay ay marami na raw ang nagkasakit sa mga nakakain ng “hot meat” ni Mr. DC pero nagawan ng lahat ng paraan ni Mr. DC ang panana­gutan nito dahil ang lahat ng mga naging biktima ay nakuha niya sa suhol. Absuwelto siya.

Alam naman natin na galit si Pang. Duterte sa mga iligalista gaya ni Mr. Botcha King dahil wala siyang pinagkaiba sa mga kandidato na ang negos­yo ay iligal at ang gusto ni Pre­sidente ay matalo ang mga ito sa darating na May 14 election.

Kaya, kayong mga botante, mag-ingat sa mga tumatakbong chairman gaya ni ‘Mr. DC.’ Baka mabotcha kayo ng ‘Bot­cha King’ na ‘yan.

Sana ay maging matalino kayo sa pagpili ng kandidato sa May 14. Vote wisely at huwag ninyong ipagbili ang inyong karapatan,pera lang ‘yan!

NAPAPAIKUTAN NG GAMBLING OPERATOR

PATULOY at tila wala na yatang takot ang opertor ng puwesto pijo ng illegal na pasugalang drop ball ni Aket IBASAN sa Mangaldan,Pangasinan dahil wala kasing ipingmamalaki si alyas Aket na pamilya siya ng mga IBASAN.

MAGING si Mangaldan-PNP COP Supt.Jay Bayabayan ay tila napapaikutan dahil sa lingguhang intelihensiya na ipinamumudmod ni alyas Aket.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09366728269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>