FIRST DAY sa opisina ang bagong District Director ng Quezon City Police District na si PC Supt. JOSELITO “JOYET” ESQUIVEL nang imbitahan natin siya na makapanayam sa ating programa sa Radyo Pilipinas 1 noong Abril 26. Aba, birthday ko pa!
Sa totoo, hindi siya bago sa QCPD dahil noong 1994-1996 ay tauhan siya ni dating DD PC Supt. Ricardo De Leon na pangulo ngayon ng Public Safety Office. Nagpalipat-lipat bilang mahusay na lider ng Intelligence Unit ng Pambansang Pulisya.
Nagbalik siya ilang taon ang nagdaan at naupo bilang Deputy Director for Operations hanggang balik Intel Unit na roon niya nakuha ang kanyang STAR!
Hindi biro ang pinagdaanan na hamon sa kanyang trabaho at isa na riyan ang kilalang Gambling Lord na kinausap niya nang masinsinan na kailangan niyang pigilan ang operasyon. Ang gambling lord ay nakasuhan at nagbayad sa korte ng mahigit P10 milyon para makalaya at maayos ang gusot niya sa sugal.
Sa aming one-on-one ng DD ng QCPD, simple lang si General Esquivel sa kanyang liderato na ipatutupad. Ipagpapatuloy niya ang sinimulan at mga ginawang pagbabago ng kanyang pinalitan na DD na na-promote naman bilang PNP Region 4-A PC/Supt. Guillermo Eleazar – “Proud to be QCPD leader”!
Nanawagan siya sa mamamayan ng Quezon City na tulungan siya sa pagsugpo ng iligal na droga at itawag sa kanilang tanggapan ang anomang krimen o kriminal na gumagawa ng pangit sa lungsod. Handa siyang harapin ang sinoman na nangangailangan ng tulong ng pulisya at kung may reklamo sila laban sa sinomang pulis sa kanyang kampo.
Mababa ang loob ni Esquivel sa mamamayan, kailangan ng tulong ng kanyang mga pulis. Handa rin siyang banatan ang mga abusado niyang tauhan kung ang mga ito ay tatamad-tamad o umaabuso sa tungkulin.
Sa ngayon ay pinag-aaralan niya ang mga proyektong pangpulisya sa kanyang sakop. Pagagandahin ang loob ng kampo at posibleng magkaroon ng mga bagong gusali roon sa loob ng Camp Tomas B Karingal na magsisilbi sa interes ng mamamayan at pulisya.
Ang agenda, walang tigil ang kanyang mga pulis sa operasyon laban sa mga sangkot sa iligal na droga. Anytime ay maglalagay siya ng mga sentro ng pulis para tumutok sa mga “riding-in-tandem” para matiyak na walang makagagawa ng krimen gamit ang mga motorsiklo.
Nakatutuwa si General Esquivel. Simple pero rock. Ang sarap kausap. Ang kanyang liderato, CONTINUITY NG PROUD PNP QCPD! BALETODO/ED VERZOLA