Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATIWALIAN HANGGANG KAILAN?

$
0
0

pakurotBENIGNO AQUINO III ang magpapatupad ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Filipino at pilit na ipinatutupad ang “Tuwid na daan.”

Gumagawa ng paraan ang administrasyon upang itaas ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan upang sa ganoon ay matigil na ang katiwalian.

Subalit nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto ang maraming tauhan ng gobyerno sa paggawa ng milagro. Kung hindi man nagnanakaw ay nangingikil naman.

Ano ba ang dahilan nito? Ang kakulangan pa rin ba sa suweldo o ang hindi nila kayang pagbitiw sa magarbong buhay na kanilang nakasanayan?

Magandang magbigay ng mabigat na sampol si Pangulong Noynoy sa mga taong hanggang ngayon ay patuloy na tumatahak sa ‘balikong landas.’

Halimbawa na rito ang ilang tiwaling bumbero na sa halip na gawin ang trabaho nila sa pag-iinspeksyon ng mga establisimyento ay kakausapin ang mga may-ari at hihingian ng malaking halaga ng pera.

Kaya nga nananawagan ako kay Mayor Herbert Bautista na kausapin ang bagong talaga niyang Fire Marshall ng lungsod Quezon dahil nagagamit ito sa pag-iikot ng ilang bumbero na nagsasabing iba na ang kalakaran sa QC Fire dahil sa bago ang ‘hari’ kaya’t bago ang patakaran.

Parang sinasabi ng mga fire inspector na ito na inuutusan sila ng kanilang hepe na gumawa ng pera.

Hanggang kailan ba ang panggagamit ng mga taong ito sa gobyerno para lang magkapera at makamit ang pansarili nilang interes? Kung bibigyang disiplina o parusa ang mga ito na hindi nila makalilimutan ay tiyak na mababago ang gawain nila, puwera na lang kung nag-ugat na sa kanila ang kasamaan.

*****

Ilang araw na lang ay halalan na pero hanggang ngayon ay hindi pa kumpleto ang listahan ng inyong lingkod sa mga ibobotong senador dahil napakahirap pumili sapagkat kinabukasan ng buong sambayanan ang nakasalalay sa darating na okasyon.

Hindi naman puwedeng dahil mga sikat ay agad na nating iboboto. Isasaalang-alang pa rin ang plataporma ng mga kandidato.

Nang mabasa ko ang program of government ni Greco Belgica, bagama’t batid kong mahirap, ay humanga ako.

Mas lalo na nang makita at marinig ko siya sa isang programa sa telebisyon na tinatalakay ang kanyang mga panukala kapag siya ay nahalal na senador.

Sa gawi ng kanyang pagsasalita, makikitang nais niya ang pag-unlad hindi lang ng iilang tao kundi ng buong pamayanan. Nais niyang magkaroon ng ‘access’ ang lahat sa yaman ng bayan sa pamamagitan ng paglalagay ng pondo para sa pagkain, tahanan, edukasyon, trabaho at iba pa.

Kapag ganito ang senador na mauupo, aba’y tiyak na aasenso ang bayan ni Juan dela Cruz.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>