Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALPAK NA SURVEY RESULT AT PANGAKO NG MAKATI VICE MAYOR

$
0
0

burdado- jun brionesDATING kaalyado ng mga Binay, sumuwag at nanalo noong 2010 elections si Vice Mayor Romulo “Kid” Peña.

Pero sa halip na maging taga-dalirot ni Mayor Junjun Binay, mas ginusto ni Peña na 3 taon na manahimik.

Bago ang eleksyon noong Lunes, nangako si Makati Vice Mayor Peña na kung muling mahalal ay titiyakin na niyang kokontrahin ang anomang mali sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Binay.

Ngayong nahalal muli, babantayan natin si Vice Mayor “Kid” Peña kung tutupad ito sa pangako o magpapakatuta!

-o0o-

PAHIYA ang SWS at Pulse Asia survey firms sa mga ipinalabas nila na magiging resulta ng halalan sa pagka-senador! Si Grace Poe Llamanzares na paulit-ulit nilang inilagay sa panlima hanggang pampito (7-10th) ay bumulaga sa SWS at Pulse Asia nang lumanding sa ngayon sa number 1.

Sa totoo lang, parekoy, hindi tayo naniniwala na ‘yang election survey ay kayang ipaliwanag ng systematic at hightech na pagsasagawa umano. Dahil paanong maipahahayag ng 4,000 survey respondents ang damdamin ng milyon-milyong botante sa Pinas?

Ang kanilang argumento, gaya ng dugo ng isang tao, kahit kaunti lang at kahit saang parte ng katawan ito kukunin ay eksaktong maaanalisa ang blood type nito o iba pang detalye.

I beg to disagree! Mali ang analogy na inyong ginagamit!

Dahil ang dugo na nananalaytay sa mga ugat ng isang tao ay ibinubuga ng iisang puso lamang! Ito ay ibinabahagi sa buong katawan na pinatatakbo naman ng iisang utak!

‘Yun bang 4,000 survey respondents ay siyang magdidikta sa utak ng milyong tao?

Sa 4,000 respondents pa nga lang ay may mga utak na riyan na hindi pa rin sigurado. Na posibleng magbago sa bandang huli!

Kung tayo ang tatanungin, parekoy, ang survey ay walang pinag-iba sa “tsismis.” In short, ang sur-veyors ay bumabase lang sa tsismis na kanilang nasasagap sa kapaligiran!

At kung ang korte ang tatanungin, kailan man, parekoy ay hindi pinapatulan ang survey dahil gawa gawa lang ito!

Sa madaling salita, kung sino ang magbabayad sa survey firm ay siya ang magdidikta sa gusto niya na maging resulta kunwari!

Na para magmukhang credible ay kinakargahan na lang ng kung ano-anong mga palamuti na percentage!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>