NASAKSIHAN ng inyong lingkod ang paglulunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Revised Code of Practice (COP) for Refrigeration and Airconditioning & Refrigeration and Airconditioning Technicians Association of the Philippines (RACTAP) naganap sa Quezon City Sports Club, Quezon Hall, E. Rodriquez Sr., Blvd., Quezon City noong April 19, 2013.
Ang paglulunsad ay pinangungunahan ng DENR – Foreign Assisted and Special Projects Assistant Secretary Rommel Abesamis at Atty. Juan Miguel Cuna, Director ng Environment Management Bureau (EMB).
Matagumpay at maayos ang Turn Over Ceremony, ibinigay ni EMB Director Juan Miguel Cuna ang Revised Code of Pratice (COP) kina Executive Director Francisco Jucar ng Office of TESDA Technology Insitute (OTTI) at Refrigeration and Airconditioning Technicians Association of the Philippines (RACTAP) Core Group Chairman Engineer Rosendo Perez Jr. ng COP Review and Revision.
Pagdiriwang ng Buwan ng Mundo
Dahil ang yaman ng ating planeta sa samut saring buhay at katutubong pamana na nagbibigay ng buhay, kagandahan at pagmamahal ay nasisira ng kawalang-alam, kasakiman, at pag-aaksaya; Dahil noong Setyembre 14, 1988, ang Pilipinas ay lumagda sa Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer at nangako na unti-unting bawasan ang paggamit o pag-angkat ng ozone depleting substances (ODS);
Dahil noong Disyembre 1997, ang Pilipinas ay lumagda sa Kyoto Protocol at sumang-ayon na magsagawa ng mitigation actions ukol sa pabago-bagong klima;
Kung kaya, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Mundo, iginigiit natin ang karapatan ng bawat tao at iba pang nilalang, para sa pantay-pantay na paggamit ng ating mundo at kinikilala ang ating magkatuwang na tungkulin na buhayin at panumbalikin ang kagandahan at kasaganaan ng ating kalikasan.
