Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MATATANDA IGALANG, MAHALIN

$
0
0

pakurotNAKAPANINIKIP ng dibdib kapag nakakita ng isang matanda, babae o lalaki na hinahayaang tumayo sa loob ng pampasaherong bus, light railway transit at iba pang uri ng sasakyan. Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na nagbibigay daan sa loob ng mga pampasaherong sasakyan para sa pangangailangan ng mga matatanda, may kapansanan, buntis at ina na may kargang mga anak nila.

Ilan sa kanila, kapag may sumakay na matanda at mga katulad nito na dapat bigyang prayoridad na makaupo ay nagtutulog-tulugan o kaya naman ay sadyang hindi nagbibigay pansin dahil ayaw nilang tumayo sa katwirang pare-pareho naman silang nagbabayad ng pasahe.

Sabagay, kasalanan din naman ng mga may-ari at operator ng mga pampasaherong bus dahil hindi sila nagtatalaga o naglalaan ng mga upuan para sa mga matatanda, may kapansanan, buntis o kaya naman ay may mga dalang bata. Walang nakakapit na sticker o marka na ang ilang upuan sa loob ng kanilang mga pampasaherong sasakyan ay nakalaan para sa senior citizen at iba pa. Dati-rati naman ay may mga nakalaang upuan sa mga ito subalit sa paglipas ng panahon, nawala na ito at tila hindi na gumagalang ang mga kabataan sa mga nakatatanda.

Hindi lang naman sa mga bus nangyayari ang ganitong sitwasyon kundi maging sa ilang pampublikong lugar at maging sa simbahan. Dapat isaisip ng mga kabataan na darating din lahat sa ganoong kalagayan kung kaya’t kinakailangang magbigay daan at magbigay galang sa mga nakatatanda.

Sa pagkapanalo ng anak ng “Hari ng Pelikulang Pilipino” na si Grace Poe, dapat na mabigyang daan ang mas lalo pang pagbibigay ng halaga sa mga matatanda at sana ay maibalik ang pagiging magalang ng mga mamamayang Filipino na naging dating tatak natin.

Hindi lang si Grace Poe ang dapat magsulong ng dagdag pang benepisyo sa senior citizens kundi maging si Sen. Loren Legarda na ginamit ang mga matatanda sa kanyang kampanya.

Gayundin si dating Rep. Sonny Angara na kailangang tularan ang pagkalinga ng kanyang amang si Sen. Edgardo Angara, may akda ng batas na nagbibigay ng diskwento sa medisina at pasahe sa mga matatanda.

Huwag sanang masayang ang boto ng senior citizens sa kanila.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>