Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PATAY NA ANG KABAYO, AANHIN PA ANG DAMO?

$
0
0

baletodoMATINDI ang sindikato sa Social Security System (SSS). Kung ma-kapaglabas sila ng kanilang press releases, aakalain mo na dakila at matuwid ang pamamahala ngunit sa totoo, patay na ang kabayo, wala pa rin ang damo! Tayo mismo ay biktima ng SSS. Matapos ang mahabang proseso para makuha ang health benefit, ilang buwan na ay wala pa rin tayong natatanggap hanggang ngayon. Mas malupit ang ilang nakausap natin na miyembro ng SSS.

Mahigit isang taon na siya, tila bola na pinagpapasahan doon hanggang nabundol siya ng sasakyan sa harap mismo ng Security System. Ang re-sulta, mas malala ang sakit sa maliit na pera na dapat ay matagal nang ibi-nayad ng SSS sa kanya. Parusa rin ang lagay ng voluntary contributors dahil kapag nahuli sila sa petsa kahit pasok pa sa quarter ay hindi nila isinasali sa regular quarter payment. Anong patakaran ito? Ang mga volunteer contributor-members ay isang kahig-isang tuka na sa kagustuhan lang na may maasahan pagtanda ay nag-iipon ng pera para ihulog sa kanila! Nakaaawa ang mga miyembro na kung ituring nila ay namamalimos sa kalye.

Pera ng taumbayan ang sahod ninyo, mga garapal na opisyal at tauhan ng SSS! Mismong ang mga matagal nang pensyonado ay nagrereklamo sa tagal ng tseke bilang pension. Malansa ang naaamoy natin sa SSS. Sindikato ang takbo! Bakit hindi? Halimbawa sa katulad ko na aprubado na pero ilang buwan na ay wala pa rin ang dapat kong makuha, nakadududa. Ibig sabihin, kung 100 kami na dapat bayaran agad pero pinaabot ng 1 taon, sa P8 libo na lang kada miyembro ekwals P800 libo x 12 months = P9.6 milyon.

Sa loob ng isang taon, magkano at kanino mapupunta ang interes mula sa bangko? At ngayon gusto pa ni G. BS Aquino III na magtaas ng kontribusyon dahil nasasaid na raw ang pondo ng SSS? Paano mangyayari ito samantalang sa nagdaang mga administrasyon, maliban sa panahon ni Erap, ay higante ang pondo ng ahensya?

Sobra naman kayong magdelihensiya! Ilantad kung nasaan ang pera ng SSS. Kailangan na malaman ng miyembro kung saan itinatago o ibinakas ang kontribusyon.

Matindi ang kasuwapangan ng SSS management ngayon. Kung gaano sila kabilis maningil sa mga may utang, siya namang bagal sa pagbabayad sa mga miyembro na dapat tumanggap ng biyaya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>