MASARAP pakinggan ang sinasabi ng Cavite police na kaya sila rumesponde sa bahay nina Senator Bong Revilla sa Bacoor dahil may natanggap silang tawag na may mga armadong grupong pumasok sa compound ng senador.
At ito na rin ang anggulong ti-natayuan ng liderato ng PNP at DILG para ma-justify na tumutupad lang sila sa tungkulin nang magsuguran ang buong puwersa ng Cavite police sa bahay nila Bong para dakpin ang mga armadong NBI agent na lumabag sa sinasabi nilang gun ban.
Pero ang tanong, ganundin ba sila kabilis tumugon sa tawag ng mga karaniwang mamamayan na humihingi ng respond? Sa maraming pagkakataon, ang katwiran ng mga pulis, walang gasolina, sira ang mobile o kaya’y nag-iisa lang ang sarhento de mesa kaya hindi makareresponde.
At madalas, nagkakaubusan na ng lahi bago dumating ang mga pulis sa crime scene kaya nga ang susu-nod na tagpo ay SOCO na ang tina-tawagan nila para mag-imbestiga sa pinangyarihan ng krimen at sa mga nakahandusay na bangkay. Ang totoo, nahihiya lang aminin ng mga pulis at ng mga gustong kumandi-datong pangulo sa 2016 na ang lahat ng ito ay may kinalaman sa naka-ambang presidential election tatlong taon mula ngayon.
Ibig sabihin lang nito, sa buong buhay ng mga partisan policemen ay nakabantay na sila sa paligid ng bahay ng mga Revilla kaya agad nilang nakita ang mga NBI nang rumesponde sa tawag ng senador.
Ang susunod na tanong, bakit nga ba humingi ng saklolo si Bong sa mga taga-NBI gayong puwede namang pulis? Ang sagot, nagtai-ngang kawali ang PNP Cavite, ang Kampo Crame at ang Calabarzon police sa paghingi ng tulong ng kampo nina Revilla laban sa mga pulis na nagpapagamit sa mga politiko para harasin ang mga lider nila sa halalan.
Hindi pinansin ni General Purisima at ng lahat ng liderato ng pulis sa rehiyon ang sulat at personal na paghingi ng tulong ng mga Revilla kaya NBI na lang ang kanilang napagsumbungan. Iyong NBI na tumugon sa tawag ng paghingi ng tulong at sila ngayon ang pinagdarakip na parang mga kriminal.
Ganoon na ba talaga kasama ang sitwasyon ng pulitika natin? Ang mga nakikita nating senaryo ngayon na panggigipit ng gobyerno sa mga Revilla ay katulad din ng ginagawa ng Arroyo government sa kanilang mga kalaban noong panahon nila.
***
Mi ultimo adios. Ito nga muna pala ang ating last column for this month dahil may kailangan akong asikasuhin sa Amerika.
Mga isang buwan akong mananatili sa abroad para sa isang matagal nang commitment na ngayon ko lamang magagawa. Salamat kay Boss Benny Antiporda at sa lahat ng mga bumubuo ng Remate.
allanpunglo@yahoo.com