Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI SA GOBYERNO GALING ANG LAHAT NG KATIWALIAN

$
0
0

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-onlineANG unang ginawa ni Mayor Del R. de Guzman sa pagbalik niya mula sa isang Boy Scout international conference sa South Korea ay ang ipag-utos ang pagsasampa ng kaso sa PCCI Marikina sa hindi nito pagbabayad ng P14 milyon nitong pagkakautang sa nakaraang Del Pasko 3.

Masalimuot ang isyu ng tiangge nitong nakaraang taon. Paano, ang orihinal na intensyon na patakbuhin sa PCCI Marikina ang operasyon ng tiangge ay sa kadahilanan na sila ang may mandato bilang isang lehitimong organisasyon na i-promote ang mga produkto at serbisyo ng Marikina.

Sino pa nga ba ang tatalo sa PCCI Marikina para mag-operate ng tiangge kung ganyan?

Bakit sa iba pa natin ipahahawakin ang tiangge? Ito ang organisasyon ng mga negosyanteng Marikenyo na ang sinumpaan nilang panata ay palaguin ang negosyo sa Marikina?

Maganda talaga ang layunin ni Mayor Del. At bakit nga hindi? Eh isa sa maiingay na bumabatikos sa pag-award ng tiangge sa tagalabas ay ang mga opisyal nito na siya ring founder ng grupong C2G2.

Ang sabi siguro ni mayor, “Sige nga, angal kayo nang angal … eh di tingnan natin kung kayo nga ang magpatakbo ng tiangge ngayong taon?” So ganun nga ang nangyari, sa halagang P22 milyon na contract price ay in-award sa PCCI Marikina ng city government ang franchise sa pagpapatakbo ng tiangge noong 2012.

Sa kasamaang palad, P5 milyon lang ang nabayaran ng management team ni Ed Francisco at Len Clarino. At kahit pa inabot ng hanggang tatlong demand letters ang tinanggap nila mula sa city hall ay ‘di pa rin sila natinag. Bagkus, binaligtad pa nila ang istorya at isinisi pa sa gobyerno ang kasalanan. Ito namang mga mapagsamantalang politiko ng oposisyon ay sumawsaw pa sa isyu at binabatikos si mayor sa hindi niya agad pagdemanda.

Kilala n’yo naman kung gaano kagrasyoso ang ating mayor. Natural hahanapan niya muna ng win-win solution ang problema. Kasi naman, partner ng pamahalaan ang PCCI sa mga proyekto na nagsusulong sa ikauunlad ng Marikina. Sayang, simula sana ito ng public at private partnership na transparent para sa tunay na ikauunlad ng Marikina at mga negosyante nito. Kaso, sinalbahe. Hay, naku … ang buhay nga naman.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>